NANAWAGAN si Tuesday Vargas sa mga filmmakers, producers, at writers na bigyan siya ng trabaho, kasabay ng pagtiyak ng kanyang availability at willingness to work.
Sa kanyang apela sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, inilarawan ni Tuesday ang sarili bilang diligent worker, at naniniwala siya na isa siyang good and versatile artist.
Nangako rin ang actress-comedian na paghuhusayan niya ang kanyang trabaho.
Ipinaliwanag ni Tuesday na bilang ina, kailangan niyang magtrabaho para makapag-provide sa kanyang pamilya.
Aniya, bagaman may ipon ay gusto niya na mayroon siyang tuloy-tuloy na pang-tustos sa pamilya dahil nawalan siya ng show.
Payo ng comedian sa mga hustler at breadwinners, huwag mahiya na humingi ng tulong para sa pamilya, dahil pagta-trabahuhan naman aniya ito at hindi iaasa sa iba.




