NAG-deploy ang Philippine Coast Guard (PCG) ng karagdagang dalawang barko para tiyakin ang kaligtasan ng Civilian Mission sa Scarborough Shoal o Bajo De Masinloc sa West Philippine Sea.
Kasunod ito ng mga ulat na nasa tatlumpung Chinese Vessels, kabilang ang isang barkong pandigma ang naispatan sa Scaborough Shoal.
ALSO READ:
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng BatasMga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
17 puganteng Taiwanese, ipina-deport ng BI
Coast guard, ginunita ang ika-200 araw ng paghahanap sa “missing sabungeros”
15 survivors at 2 nasawi sa tumaob na MV Devon Bay, nai-turn over na sa PCG
Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, ang additional ships ay kinabibilangan ng BRP Panglao at BRP Boracay.
Aniya, ang dalawang barko ay 24-meter patrol boats na mabibilis at madaling i-maniobra.
Unang idineploy ng PCG ang 44-meter Vessel na BRP Bagacay at isang aircraft, para sa civilian mission na pinangungunahan ng “Atin Ito” Coalition.
