Umapela ang food manufacturers at bakers sa Department of Trade and Industry (DTI) na aprubahan na ang matagal nang inihihirit na dagdag-presyo sa sardinas at tinapay, na itinuturing na pangunahing pagkain ng mga Pilipino.
Isinusulong ng Sardines Association of the Philippines ang hanggang tatlumpisong taas-presyo sa sardinas na nasa lata, na nasa dalawang taon na nilang inihihirit sa DTI.
Ayon sa grupo, nadagdagan na ang minimum na sweldo at taas-baba ang presyo ng gasolina, habang patuloy sa pagtaas ang presyo ng isda.
Samantala, humihirit din ang Philbaking ng limampisong increase sa presyo ng pinoy tasty bread at pandesal, matapos ang mahigit isa’t kalahating taon na napako ang kanilang presyo.
Ikinatwiran naman ng grupo ng bakers na nahihirapan na silang i-subsidize ang gastos para sa murang tinapay.