BUMAGSAK ng double digits ang trust ratings ni Vice President Sara Duterte at House Speaker Martin Romualdez, batay sa pinakahuling Pulse Asia Survey.
Tumanggap si Duterte ng trust rating na 49% sa survey na isinagawa sa pagitan ng Nov. 26 hanggang Dec. 3, 2024, mas mababa ng 12 percentage points mula sa 61% noong Setyembre.
Nakatanggap naman si Romualdez ng trust rating na 31%, mas mababa ng 10 percentage points kumpara noong nakalipas na dalawang buwan.
Bumaba rin ng double digits ang approval score ng bise presidente, na mula sa 60 percent noong Setyembre ay 50 percent nalang noong Nobyembre.
Umakyat naman ng 8 percent ang disapproval rating ng speaker habang 11 percentage points ang itinaas ng kay VP Sara.