3 July 2024
Calbayog City
Metro National

Tren ng MRT-3 sapat ang bilang para sa dumaraming pasahero

mrt

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na may sapat na bilang ng mga tren para ma-accommodate ang tumataas na bilang ng mga pasahero ng MRT-3.

Pahayag ito ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino bunsod ng naitalang pagtaas ng bilang ng pasahero ng rail line.

Una ng inanunsyo ng MRT-3 na umabot sa 436,388 ang bilang ng mga pasaherong naserbisyuhan ng MRT-3 noong Agosto 16.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng mga pasaherong sumakay ng linya mula noong Hunyo 2020.

Samantala, umaabot naman sa 422,000 ang daily average ridership ng MRT-3.

Ang MRT-3 ay mayroong 18 train sets na tumatakbo sa mainline sa peak hours at 15 train sets sa off-peak hours. Mayroon pang tatlo hanggang apat na spare trains ang maaari pang patakbuhin kung kakailanganin.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *