SA IKATLONG magkasunod na linggo, tumaas muli ang presyo ng produktong petrolyo, epektibo ngayong Martes ng umaga.
Nadagdagan ng 95 centavos ang presyo ng kada litro ng gasolina.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
65 centavos naman ang itinaas sa kada litro ng diesel.
Habang 35 centavos ang itinaas sa presyo ng kada litro ng kerosene. (DDC)
Samantala, tumaas din ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ngayong Hulyo.
Kahapon ay ipinatupad ng petron corporation ang dagdag-presyo sa kanilang cooking gas na limampu’t limang sentimos kada kilo.
Ibig sabihin, nadagdagan ng anim na piso at limang sentimos ang presyo ng regular na 11-kilogram na tangke ng LPG.
Ayon sa Oil Company, repleksyon ito ng international contract prices ng lpg para sa buwan ng Hulyo.
