NANANATILING buhay ang tradisyon ng kalag-kalag sa Calbayog City, kasabay ng pag-aalay ng mga Calbayognon ng panalangin at mga bulaklak para sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Ang naturang tradisyon kung saan ginugunita ang mga santo at kaluluwa ng mga pumanaw kada taon, ay repleksyon ng malalim na respeto at koneksyon ng lungsod sa religious at cultural heritage.
Isa itong makabuluhang pagdiriwang sa naging buhay ng mga pumanaw na habang pinagtitibay ang pagkakaisa ng mga magkakapamilya at magkakapit-bahay.