SINUSPINDE ni Acting Chief Justice Marvic Leonen ang trabaho sa Korte Suprema at sa lahat ng First at Second Courts kabilang ang Appellate Courts sa Metro Manila ngayong araw ng Martes, July 22, 2025.
Ayon sa abiso ng Supreme Court, tuloy naman ang pagproseso ng Bail, Release Orders, at iba pang mahahalagang proseso sa Korte.
Inatasan din ang mga Korte sa NCR na panatilihin ang pagkakaroon ng Skeleton Workforce.