Plataporma ang inihain ng TRABAHO Partylist sa mga residente ng Marikina sa isang pagpupulong na ginanap sa Brgy. Calumpang nitong ika-17 ng Marso 2025.
Naging progresibo at makabuluhan umano ang nasabing pagpupulong dahil personal na naiparating ni TRABAHO nominee Nelson “kagawad Nelson” de Vega ang mga magiging aksyon ng grupo para sa mga manggagawa.
Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal
Mosyon ng Kamara sa nabasurang Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ipinababasura sa Supreme Court
Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE
AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026
“Ang TRABAHO Partylist ay naniniwala na dapat hindi inaalisan ng karapatan na makapaghanap-buhay ang lahat [ng Pilipino], lalung-lalo na ang ating mga senior citizen at PWD [persons with disability],” pagdidiin ng kagawad.
“Ano po ang ating kailangan? Yun po ang TRABAHO Partylist”, pakilala ni konsehal Rommel “Kambal” Acuña sa grupo.
Ang Trabaho Party-List, bilang 106 sa balota, ay nagsusulong ng kalidad na trabaho, patas na oportunidad, sapat na sahod, at dagdag na benepisyo para sa bawat manggagawa.
Maliban sa grupo, nagpahayag din si Acuña pati na rin sina konsehal Carl Africa at Jasper So ng kani-kanilang mga plataporma para sa kanilang mga nasasakupang Marikeño.