TARGET ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office sa Eastern Visayas na ibalik ang 33-ton load capacity sa San Juanico Bridge bago matapos ang 2025.
Nakapaloob sa Revised Plan, na inilatag ng consultant na Angel Lazaro & Associates International, ang funding at resources, Pre-Construction Timeline, at Five-Month Civil Works Target, alinsunod sa direktiba ni DPWH Secretary Manuel Bonoan.
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Higatangan Festival sa Biliran, kinansela sa gitna ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo
Inihayag ng DPWH na sa pamamagitan ng pagbabalik sa 33 tons na Load Limit ay makadaraan na ang malalaking SUV, pampasaherong bus, commercial vehicles, at trucks na kasalukuyang hindi pinatatawid bunsod ng 3-Ton Weight Limit sa San Juanico Bridge.
Ang 33-Ton Load Limit ay tatlong beses na mas higit sa 10 to 12 tons na target para sa limang buwan na time frame na itinakda noong May 30 meeting ng DPWH at ng consultant.
