3 July 2024
Calbayog City
Entertainment

Toni Gonzaga, isinilang na ang kanilang baby girl ni Direk Paul Soriano

toni

Isinilang na ni host-actress Toni Gonzaga ang ikalawa nilang anak ni Director at Presidential Adviser for Creative Oommunications Paul Soriano.

Ang kanilang baby girl na pinangalanan nilang Paulina Celestine ay ipinanganak noong biyernes, Aug. 11.

Kinumpirma ni Direk Paul ang balita sa kanyang Instagram account, kung saan ibinahagi rin niya ang litrato ng kanyang asawa at bagong silang na anak.

Idinagdag ng direktor na alas dos singko ng hapon nang ipanganak si Paulina Celestine na may timbang na 6.8 pounds.

Hunyo nang ihayag sa publiko ni Toni ang kanyang pagdadalang-tao sa pamamagitan ng bonggang baby shower na dinaluhan ng kanilang pamilya at mga kaibigan mula sa showbiz at politika.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *