5 July 2024
Calbayog City
Sports

TNT, muling pinadapa ng Chiba sa East Asia Super League

tnt

Talo ang TNT tropang Giga sa laban nito sa Chiba Jets sa nagpapatuloy na East Asia Super League.

Sa score na 75-66, nabigo ang tropang Giga sa harap ng Local Sports Fans na nanood sa Santa Rosa Sports Complex, sa Laguna.

Pinangunahan ni Quincy Miller ang TNT sa kanyang 22 points habang nag-ambag si Jaydee Tungcab ng 10 points at si Jayson Castro ng 8 points.

Hindi naman nakapaglaro si Rondae Hollis-Jefferson matapos umanong makaranas ng gastritis.

Sa kanilang unang faceoff, tatlong linggo na ang nakalipas, ay pinadapa rin ng Chiba ang tropang Giga sa score na 93-75.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *