LAKING pasasalamat ng mga residente sa dalawang sitio sa Barangay Langit, sa Alangalang, Leyte, matapos ang koneksyon ng elektrisidad sa kanilang komunidad, makalipas ang ilang taong kawalan ng kuryente.
Tuwang-tuwa ang mga pamilya sa Sitio Ilawud at Sitio Kapudlusan, makaraang maisakatuparan ang matagal na nilang hinihintay na supply ng kuryente.
Mahigit 1,000 rice farmers sa Northern Samar, tumanggap ng ayuda sa gitna ng MABABANG farmgate prices
DOST, naglaan ng 600 million pesos para sa pagsusulong ng smart farming technologies
Rehabilitasyon sa Carigara Port sa Leyte, sinimulan na ng PPA
Tacloban journalist, hinatulan ng guilty sa terrorism financing
Kabuuang tatlumpu’t isang kabahayan ang nakinabang sa proyekto na kinabibilangan ng labing walo mula sa Sitio Ilawud at labintatlo mula sa Sitio Kapudlusan, na kapwa matatagpuan sa loob ng Leyte Sab-a Basin at tri-boundary ng Alangalang, Sta. Fe, at Tacloban City.
Ang electrification project ay ipinatupad sa ilalim ng Sitio Electrification Program (SEP) sa pamamagitan ng National Electrification Administration (NEA), sa pakikipagtulungan ng electric cooperatives, na ang pondo ay mula sa national budget.
