TIWALA ang 802nd Infantry Brigade ng Philippine Army na mas maraming aktibong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang susuko ngayong buwan sa pamamagitan ng kanilang “Love will lead you back” campaign.
Ayon kay Brigade Commander, Brig. Gen. Noel Vestuir, sa pamamagitan ng programa ay hihikayatin nila ang NPA members mula sa mga platoon sa Leyte at Samar na makapiling ang kani-kanilang pamilya at mahal sa buhay ngayong buwan ng pag-ibig.
Napaulat na expansion ng Geothermal Project, itinanggi ng mga opisyal sa Biliran
Mga biyahe sa karagatan sa Eastern Visayas, pinayagan na muli ng coast guard
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Aniya, layunin ng programa na ipaalala sa mga rebelde na naghihintay ang pag-ibig at kapayapaan sa kanilang tahanan.
Target ng kampanya na pasukuin ang labing anim na NPA combatants na nagtatago sa boundaries ng Samar at Eastern Samar Provinces at dalawampu’t isang armadong rebelde na nag-o-operate sa mga kabundukan ng Leyte.
