10 March 2026
Calbayog City
Local

Miyembro ng NPA, sumuko sa militar kasunod ng pagkamatay ng squad leader sa Eastern Samar 

SUMUKO sa militar ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) kasunod ng pagkamatay ng squad leader ng rebeldeng grupo sa Eastern Samar.

Ayon sa 78th Infantry Battalion ng Philippine Army, isinurender din ni Lando Yape, alyas “Rose” mula sa Nalansag ng Apoy platoon ang kanyang mga armas sa mga awtoridad.

Kabilang sa kanyang isinuko ang dalawang M16 rifles, sampung magazines, 284 rounds ng 5.56 mm ammunition, at iba pang war materials, at personal na kagamitan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).