PANIBAGONG milestone ang naabot ng tinaguriang “Kings of P-Pop” na SB19, makaraang ma-sold out, in record time, ang tickets ng Philippine Leg ng kanilang pinakahihintay na “Simula at Wakas” World Tour.
Ipinagmalaki ng grupo sa kanilang social media pages na wala pang pitong oras mula nang umpisahan ang pagbebenta ng tickets para sa kanilang kick-off concert sa Philippine Arena ay sold out na.
Kasabay nito ay ang pasasalamat ng SB19 sa nag-uumapaw na pagmamahal at suporta mula sa kanilang fans.
Binuksan ang tickets sales noong Sabado, March 15, kung saan mahigit 100,000 na fans ang pumila sa online sa pamamagitan ng SM tickets website.
Gaganapin ang Simula at Wakas World Tour Kick-Off Concert ng SB19, sa May 31, ala syete ng gabi sa Philippine Arena sa Bulacan.