NAG-post ng mensahe sa social media ang tennis icon na si Rafael Nadal para sa Filipina tennis ace na si Alex Eala.
Impresibo ang naging pagpasok ng disi nueve anyos na Pinay sa semi-finals ng Miami Open matapos talunin ang Polish World No. 2 na si Iga Swiatek.
ALSO READ:
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Alex Eala, pinadapa ang pambato ng Thailand para makapasok sa Tennis Finals sa SEA Games
Pinadapa ni Eala ang isa sa kanyang mga idolo sa score na 6-2, 7-5, nang magharap sila sa quarterfinals, sa Hard Rock Stadium.
Sa post ng tennis icon sa X (dating Twitter), sinabi nitong extremely proud ang Rafa Nadal Academy sa Pinay tennis star.
Nag-aral si Eala sa Rafa Nadal Academy kung saan siya nagtapos noong 2023.
Sa naturang seremonya dalawang taon na ang nakalipas, isa si Iga sa mga panauhin.
