NADAGDAGAN pa ng Apat ang Gold Medals ng Pilipinas sa Asian Weightlifting Youth and Junior Championships, sa New Delhi, India.
Nasungkit ng disi-sais anyos na Pinay Weightlifter si Angelina Colonia ang tatlong gintong medalya sa 45-kilogram category, kung saan namayagpag siya sa Youth and Junior Snatch Events na may 75-kilogram effort at sa youth total sa pamamagitan ng 158 kilograms.
Napasakamay naman ni Rose Jean Ramos ang isa pang ginto sa junior total na 162 kilograms pati na ang Dalawang Silvers sa Snatch na 75 kilograms at Clean and Jerk na 87 kilograms sa kaparehong Weight Class.
Mayroon nang apat na naunang gold medals ang Pilipinas mula Kina Prince Keil Delos Santos, Alexandra Ann Diaz, at Eron Borres.