PINULONG ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy, kasama si City Tourism Officer Ronald Ricafort, ang mga punong barangay para plantsahin ang mga paghahanda para sa taunang Visita Iglesia.
Ang naturang pulong ay nagsilbing platform para sa barangay leaders na i-align ang kanilang mga hakbang upang mapanatiling tahimik at maayos ang matagal ng tradisyon.
1 Calbayognon, Hinirang Bilang kauna-unahang King of Albay Ultra
PNP Eastern Visayas, naglunsad ng libreng sakay sa gitna ng transport strike
Kagawad, dead on the spot matapos pagbabarilin, 2 suspek arestado sa hot pursuit operation ng Lope de Vega MPS
Komprehensibong hakbang upang mapagaan ang epekto ng pagsipa ng presyo ng petrolyo, aprubado na sa Northern Samar
Sumentro ang talakayan sa crowd management, safety protocols, at logistical support, bilang repleksyon ng maagap na hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto sa isa sa pinakamahahalagang religious activities ng taon.
Binigyang-diin ni Mayor Mon ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pag-preserve ng cultural at spiritual heritage ng Calbayog.
Tinukoy naman ni Ricafort ang papel ng mga barangay sa pag-welcome ng pilgrims at mga bisita, sa pagsasabing pinalalakas ng Visita Iglesia ang identity ng Calbayog bilang destination para sa faith tourism.
