NANATILING tikom ang bibig ni Zaijian Jaranilla nang tanungin tungkol sa kanyang real score kay Gela Atayde, sa gitna ng umuugong na relasyon umano ng dalawa sa social media.
Sa sidelines ng advance screening event ng “The Silent Noises,” matipid na “secret” ang isinagot ng aktor, bago siya ineskortan palayo ng security.
ALSO READ:
Alexa Miro, pahinga muna ang puso matapos ang breakup kay Sandro Marcos
Willie Revillame muntik maloko ng scammer na ginamit ang boses ni Former President Gloria Arroyo
‘Sisa,’ naiuwi ang Best Screenplay sa Fantasporto sa Portugal
Aktres na si Ruby Ruiz, nakauwi na sa Pilipinas matapos ma-stranded sa Dubai
Noong 2025, nagsimulang maghinala ang netizens sa relasyon nina Zaijian at Gela, subalit wala ni isa sa kanila ang nagkumpirma o itinanggi ang kanilang status.
Nagkasama ang dalawa noong 2023 sa coming-of-age drama series na “Senior High” pati na sa sequel nito na “High Street.”
