DALAWANG pulis at isang miyembro ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nasawi sa shootout sa Puerto Princesa City sa Palawan.
Sa inisyal na impormasyon, nag-ugat ang insidente sa komprontasyon sa isang lamay matapos masuntok umano ang isa sa police officers.
Umalis sa lamay ang nasuntok na pulis subalit bumalik ito ng may mga kasama, kasama ang dalawa pang biktima.
Kinondena ng Puerto Princesa City Police Office ang insidente at sinabing gumugulong na ang imbestigasyon habang patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang mga suspek.




