INAPRUBAHAN ng Fiscal Incentive Review Board (FIRB) ang aplikasyon para sa Tax Incentives ng dalawampu’t limang proyekto na may pinasama-samang Investment Capital na 287.7 billion pesos sa unang taon ng Marcos Administration.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, inaasahang magdye-generate ito ng 24,617 jobs sa Telecommunications, Data Centers, Manufacturing, Infrastructure, Tourism, Hospitals, Mass Housing, Energy, at Information Technology and Business Process Management (IT-BPM).
Sa datos mula sa Department of Finance, umabot sa 29.97 billion pesos ang Inaprubahang Incentives simula June 30, 2022 hanggang July 28, 2023.
Kabilang sa Tax Incentives na inaprubahanay ay Duty Exemptions sa Importation, Value-Added Tax Zero-Rating sa Local Purchases, at Income Tax Holidays.