TATLONG China coast guard ships ang namataan, 35 nautical miles o 65 kilometers mula sa El Nido, Palawan.
Ayon sa maritime security expert na si Raymond Powell, ang chinese vessels ay galing sa scarborough shoal at patungong El Nido, kahapon.
ALSO READ:
Aniya, ang mga barko ay malapit sa tinawag ng china na nine-dash line, na labag sa permanent court of arbitration.
Idinagdag ni Powell na karaniwan ay isa o dalawang barko lamang ang dinideploy ng China, subalit ang tatlo aniya ay pagpapakita ng lakas.




