22 February 2026
Calbayog City
National

Task Force Kasanag, Muling Nanawagan ng Mahigpit na Pananagutan sa mga Proyekto ng DPWH

NAGDAOS ng press conference ang Task Force Kasanag (TFK) sa pamumuno ni Dr. John Chiong, DHum, upang ilahad ang pinakahuling update hinggil sa mga reklamong inihain nito kaugnay ng mga umano’y iregularidad sa ilang flood control at iba pang proyektong pang-imprastraktura ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa naturang pagharap sa media, inilatag ng organisasyon ang estado ng mga kasong sinimulan nito noong 2022 at muling nanawagan ng mahigpit na pananagutan sa paggamit ng pondo para sa pampublikong imprastraktura.

Iginiit nito na ang bawat proyekto ay dapat sumailalim sa ganap na transparency, wastong oversight, at masusing pagsusuri.

Binigyang-diin ng Task Force Kasanag ang patuloy nitong pakikipag-ugnayan sa DPWH at sa mga kaukulang ahensya sa pamamagitan ng pormal na pagsusumite ng dokumento at ebidensya upang matiyak ang masusi, patas, at naaayon sa batas na pagsusuri sa mga reklamong may kaugnayan sa flood control at iba pang proyekto.

Mga Reklamong Inihain

Ipinaliwanag ni Dr. Chiong na pormal nang naghain ang kanilang grupo ng Ethics Complaint laban kay House Committee on Public Works Chairperson at Surigao del Sur 1st District Representative Romeo Salazar Momo Sr., kasama ang iba pang mga indibidwal at kompanya na saklaw ng kanilang mga reklamo.

Kabilang dito ang ilang kumpanyang ginawaran ng kontrata para sa multi-bilyong pisong flood control at iba pang proyektong pang-imprastraktura ng DPWH sa kani-kanilang rehiyon, gaya ng:

– GCI Construction and Development Corp. (Bicol)

– Equi-Parco Construction Company (Region XIII / X)

– Montesclaros Enterprises, Inc. (Region X)

– EUS Construction (Region V)

– Brentmin Roofing Enterprise (Region V)

– Centerways Construction and Development, Inc. (Region V)

– EGB Construction Corporation (Northern Luzon)

Nilinaw ng organisasyon na ang mga nabanggit ay batay sa dokumentadong kontrata at sa mga pormal na reklamong isinumite sa mga kinauukulang ahensya para sa pagsusuri.

Ang lahat ng indibidwal at kompanya ay itinuturing na inosente hangga’t hindi napapatunayang nagkasala alinsunod sa due process ng batas.

Mga Naunang Hakbang

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).