PUMANAW na ang Taiwanese actress na si Barbie Hsu sa edad na 48 dahil sa pneumonia matapos tamaan ng influenza noong Lunar New Year holiday.
Ayon sa talk show host na si Dee Hsu, kauuwi lamang ang kanyang kapatid kasama ang pamilya mula sa kanilang biyahe sa Japan.
Inulila ng aktres ang kanyang South Korean husband na si Dj Koo Jun-Yup, pati na ang kanyang dalawang anak na sampung taon at walong taong gulang mula sa kanyang ex-husband at Chinese businessman na si Wang Xiaofei.
Sumikat si Barbie sa pagganap niya bilang Shan Cai sa Taiwanese drama na “Meteor Garden.”