BINATIKOS ng Taiwan ang US Tech Billionaire na si Elon Musk makaraang tawagin nito ang self-ruled island bilang “integral part” ng China.
Naniniwala si Foreign Minister Spokesman Jeff Liu na ang papuri ni Musk sa China ay para sa commercial interests, at ang mga komento nito ay hindi dapat seryosohin, dahil hindi naman ito karespe-respeto.
Idinagdag ni Liu na hindi nila batid kung nabibili ang free will ni Musk, dahil ang Taiwan aniya ay not for sale.