Regional Police Director sa Eastern Visayas, pinamamadali ang imbestigasyon sa insidente ng pagpaslang sa mag-iina sa Catbalogan City
Pinag-utos ng Regional Police Director sa Eastern Visayas ang agarang imbestigasyon sa pamamaslang sa bente sais anyos na ginang at dalawa nitong anak, sa Catbalogan City, sa Samar. Sinabi ni Eastern Visayas Police Information Officer, Lt. Col. Maria Bella Retuaya, na nais ni Brig. Gen. Vincent Calanoga, na agad matukoy at maaresto ang suspek sa