INAPRUBAHAN ng City Council ang pagdedeklara ng state of calamity sa Tabaco City, Albay dahil sa patuloy nap ag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Sa ilalim ng deklarasyon, gagamitin ng city government ang Quick Response Fund nito para sa disaster response bilang pagtugon sa mga apektadong residente.
Aabot sa four hundred eighty-nine na pamilya o higit one thousand seven hundred na katao ang inilikas sa Tabaco City.
Ang lungsod ang may pinakamtaas na internally displaced individuals sa buong lalawigan ng Albay.




