MULING nadagdagan ang presyo ng produktong petrolyo ngayong huling Martes ng Enero.
Epektibo kaninang 6AM, nagpatupad ang shell ng dagdag na 40 centavos sa bawat litro ng gasolina; 1.40 pesos naman sa kada litro ng diesel at 80 centavos sa bawat litro ng kerosene.
ALSO READ:
DENR, pinaiinspeksyon ang lahat ng sanitary landfill sa bansa
2 impeachment complaints laban kay PBBM, nai-refer na sa Justice Committee
Pangulong Marcos, balik na sa normal schedule matapos magkasakit
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng Batas; Mga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
Kaparehong increase din ang ipinatupad ng ng Caltex at Seaoil.
Ang Cleanfuel naman ay nagpatupad ng kahalintulad na increase sa gasolina at diesel lamang.
Dahil dito, umabot na sa P1.20 kada litro ang net increase sa gasolina, P2.40 sa bawat litro ng diesel at P1.90 sa kada litro ng kerosene ngayong unang buwan ng taon.
