MAY alok na Libreng Sakay ang MRT3 sa mga Visually Impaired o may kapansanan sa paningin simula kahapon, Aug. 1 hanggang 6.
Ito ay bilang pakiiisa ng MRT3 sa pagdiriwang ng White Cane Safety Day.
Kailangan lamang magpakita ng PWD ID ang pasahero sa Security Personnel ng istasyon para aprubahan ang Libreng Sakay.
Pinahihintulutan din ang isang kasama ng Visually Impaired Passenger na makasakay ng libre sa tren.