INANUNSYO ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na itinuring si Mike Phillips bilang local player ng international basketball body, dahilan para ma-clear ito na makapaglaro para sa Gilas Pilipinas sa lahat ng FIBA tournaments ng walang restrictions.
Dahil dito, eligible na ang dating La Salle big man na magsuot ng national team colors sa high-level competitions.
Sinabi ni Phillips na isang biyaya at malaking karangalan na maging kinatawan ng Pilipinas, at ang oportunidad na makapaglaro para sa national team at matagal na niyang pangarap, kaya isa itong answered prayer.
Napabilang si Phillips sa Gilas Pilipinas noong 2023 Southeast Asian Games sa Cambodia, kung saan naiuwi ng Pinoy cagers ang gold medal.
Sa kabila naman nito ay wala pang anunsyo ang SBP kung kasama si Phillips sa pool na sasabak sa nalalapit na FIBA World Cup Asian Qualifiers, sa katapusan ng Pebrero.




