NASA apatnapu katao ang nasawi matapos sumiklab ang sunog sa isang ski resort bar sa Southern New Zealand.
Ayon sa Swiss police, nasa isandaan at labinlimang iba pa ang nasugatan, at karamihan sa mga ito ay malubha.
Sumiklab ang sunog sa New Year celebrations sa isang bar na tinawag na Le Constellation sa Crans-Montana.
Wala pang binabanggit ang mga opisyal na nag-iimbestiga sa insidente na anumang sanhi, bagaman inalis na nila ang anggulong pag-atake.




