UMABOT sa 939 ang bilang ng mga nasugatan dahil sa aksidente sa kalsada habang dalawa ang nasawi sa unang dalawang buwan ng 2026 sa Eastern Visayas.
Ito ang dahilan kaya nanawagan ang Department of Health Region 8 ng mas maigting na hakbang upang matugunan ang problema.
ALSO READ:
DPWH, humahanap ng pondo para sa ‘Grand Canal’ sa Tacloban matapos hindi paglaanan ngayong 2026
Pamamaril sa DPWH engineer ng aktibong sundalo sa Northern Samar, kinundena ng Philippine Army
Provincial Government ng Samar, kinilala ang lakas, pamumuno, at kontribusyon ng kababaihan ngayong Women’s Month
DPWH personnel sa Northern Samar, patay sa pamamaril
Ayon kay Roderick Boyd Cerro, DOH-8 Regional Epidemiology Surveillance Unit Manager, inaasahan nilang tataas pa ang road traffic injuries sa mga susunod na buwan.
Aniya, halos 90% ng mga naturang aksidente ay kinasasangkutan ng mga motorsiklo.
Sinabi ni Cerro na tatlo mula sa sampung driver ang nasa ilalim ng impluwensya ng alak habang iba ay naaksidente dahil sa mga tumatawid na aso.
