1 July 2024
Calbayog City
Business

Suspensyon sa reclamation projects makaaapekto sa pagpasok ng investments sa bansa

NANINIWALA ang ilang grupo ng mga negosyante na makaaapekto sa pagpasok ng karagdagang investments sa bansa ang pagsuspinde sa reclamation projects.

Sinabi ni Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) President George Barcelon na ang hakbang ng pamahalaan na suspindihin ang reclamation projects sa Manila Bay ay magdudulot ng “Unnecessary Uncertainty” para sa mga investor.

Sa bahagi naman ni philippine Exporters Confederation Inc. President Sergio Ortiz-Luis Jr., inihayag nito na ang palaging inaalala ng foreign investors sa paglalagak ng negosyo sa Pilipinas, ay ang inconsistent o paiba-ibang polisiya.

Dahil dito, hinimok ni Ortiz-Luis ang pamahalaan na gumawa na ng pinal na desisyon sa isyu ng reclamation projects.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *