INANUNSYO ng National Electrification Administration (NEA) na matagumpay na naibalik ang kuryente sa Siquijor, alinsunod sa deadline na itinakda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa statement na ni-release sa pamamagitan ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi ng NEA na binilisan nila ang pagkukumpuni sa power generator sets ng Siquijor Island Power Corp. (SIPCOR).
Pinangasiwaan din ng NEA ang transportasyon at instalasyon ng generator set mula sa Palawan Electric Cooperative (PALECO).
Nakatulong ang karagdagang nirentahan na generator sets mula sa SIPCOR para ma-secure ang supply, makapagdala ng kapasidad na 11 megawatts, na mas mataas sa peak demand ng probinsya na 9 megawatts, na may 1.6 megawatts na reserba para sa contingencies.
Una nang idineklara ang State of Calamity sa Siquijor bunsod ng lumalalang Power Crisis, sa harap ng nararanasang Rotational Brownouts ng mga residente simula noong May 13, 2025.