19 November 2024
Calbayog City
Local

Suporta sa SOS Children’s Village Calbayog, tiniyak ni Mayor Monmon Uy; P100K na financial assistance kada quarter, ipinangako

sos children's village

Nangako si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy na magbibigay ng 100,000 pesos na financial assistance kada quarter sa SOS Children’s Village Calbayog, Inc.

Sa kanilang official facebook page, ibinahagi ng SOS Children’s Village Calbayog ang pakikipagpulong ng kanilang mga opisyal kay Mayor Mon at tinalakay ang posibleng pagtutulungan sa mga susunod na programa ng grupo.

Dumalo sa pulong ang Fund Development Coordinator na si Josiree Faye Tan, at Village Director Emily Torculas.

Inihayag ng alkalde na karangalan niya na maging bahagi ng misyon ng SOS Children’s Villagae Calbayog.

Nagkomento naman sa naturang FB post si dating Calbayog City Mayor Mel Senen Sarmiento, kung saan pinasalamatan nito si Mayor Mon.

Si Sarmiento ang chairperson ng Board of Trustees ng SOS Children’s Villages Philippines at miyembro ng SOS International Senate.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *