PINATUNAYAN ni Supersonics Taekwondo Athlete Roivy Cabrillas ang kanyang tatag at dedikasyon matapos masungkit ang gold medal sa Kyorugi-Bantam Secondary Girls category sa nagpapatuloy na Eastern Visayas Regional Athletic Association Meet 2026 sa Baybay City.
Pagkatapos ng First Round ay lamang ng kaunti si Cabrillas sa 8-6, subalit nakabawi ang kanyang kalaban mula sa host city sa score na 14-11.
ALSO READ:
Eastern Visayas, target i-update ang SDG Catch-up Plan
Mahigit 900 katao, nasugatan dahil sa aksidente sa kalsada sa Region 8 sa unang 2 buwan ng taon
DPWH, humahanap ng pondo para sa ‘Grand Canal’ sa Tacloban matapos hindi paglaanan ngayong 2026
Pamamaril sa DPWH engineer ng aktibong sundalo sa Northern Samar, kinundena ng Philippine Army
Sa Final Round, pinanatili ni Cabrillas ang kanyang composure at naungusan ang kanyang kalaban sa makapigil-hiningang duelo, sa score na 9-8, para mapasakamay ang gintong medalya.
Ito ang ikatlong gold medal para sa taekwondo campaign ng Calbayog Supersonics.
