ILANG araw matapos rumampa sa Bench Body of Work Fashion Show, ibinunyag ng aktres na si Sunshine Cruz na na-diagnose siya na mayroong autoimmune disease.
Sa instagram, isiniwalat ng 47-year-old actress na mayroong siyang Myasthenia Gravis (MG), na nakaaapekto sa voluntary muscles, gaya ng biyas, mata, bibig, at lalamunan.
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Ayon sa John Hopkins Medicine, kabilang sa sintomas nito ay panghihina ng kalamnan, fatigue, pagbagsak ng talukap ng mata, at hirap sa paglunok o pagsasalita.
Inamin ni Sunshine na para siyang nasa roller coaster nitong mga nakalipas na buwan dahil sa kanyang sakit, subalit nagpasalamat pa rin siya sa nasumpungan niyang katatagan.
Idinagdag ng aktres na ang pagrampa niya kamakailan ay isang powerful reminder na posible pa rin ang mga bagay kahit na mahirap ang sitwasyon.
