NAKATAKDA na ring matapos ang Social Work ng isa pang miyembro ng BTS na si Suga.
Ayon sa pahayag ng BigHit Music, malapit ng makumpleto ni Suga ang kaniyang serbisyo bilang Social Work Personnel at nakatakda na itong ma-discharge.
Bagaman hindi binanggit ng BigHit kung kailan ang eksaktong petsa ng paglabas ni Suga, sinabi nitong walang anumang espesyal na aktibidad na idaraos para sa kaniyang paglabas.
Pinayuhan ng mga fans na huwag bumisita on-site para maiwasan ng Overcrowding.
Si Suga ang huling miyembro ng BTS na madi-discharge.
Siya ay na-enlist bilang Public Service Worker dahil mayroon siyang Shoulder Injury.