NAGHAHANDA na ang Strong Group-Pilipinas para sa mahirap na Title Defense sa 2025 William Jones Cup, sa gitna ng maiksing preparasyon at improvement ng mga teams na kalahok sa tournament.
Gayunman, kumpiyansa pa rin si Head Coach Charles Tiu sa kanilang koponan, dahil muli nilang makakasama ang karamihan sa kanilang Championship Core.
Unang masusubukan ang Strong Group laban sa Chinese-Taipei sa Linggo, July 13.
Binigyang diin ni Tiu na mahalagaang maibalik ang mga player na nagdala sa kanila sa Jones Cup Title noong nakaraang taon para muling mapasakamay ang kampeonato.
Ibabalik sa Squad ang Local Standouts na sina Kiefer Ravena, Jason Brickman, Dave Ildefonso, Phenz Abando, Angelo Kouame, Geo Chiu at Reigning NCAA Most Valuable Player Allen Liwag.