22 November 2024
Calbayog City
National

Japanese Prime Minister Fumio Kishida, mainit na sinalubong ng mga opisyal ng PCG sa Maynila

BUMISITA si Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Philippine Coast Guard sa Port Area, sa Maynila, kung saan tumanggap siya ng mainit na pagsalubong pagsakay niya sa BRP Teresa Magbanua.

Sa courtesy visit ni Kishida, noong sabado, binigyang diin ni PCG Commandant CG Admiral Ronnie Gil Gavan ang kahalagahan ng komprehensibong hakbang sa pagbabantay sa mga katubigan sa bansa.

Tinukoy din ni Gavan ang mahalagang papel ng Japan sa development ng PCG, dahil ito ang unang bansa na tumulong sa Pilipinas nang ihiwalay ito mula sa Department of National Defense noong 1998.

Ang Japan ang nagbigay ng mga barko at training upang malinang ang mga kapabilidad ng PCG.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *