INANUNSYO ng Social Security System (SSS) ang tatlong sunod na taon na pagtataas ng pensyon nito na ang unang bahagi ay ibibigay na sa buwan ng Setyembre.
Ayon sa SSS, simula sa Sept. 2025, ang mga Retirement at Disability Pensioners ay makatatanggap ng 10 percent na dagdag sa kanilang pensyon.
Habang dagdag na 5 percent naman para sa Death at Survivor Pensioners.
Sa September 2026 at September 2027 ay magkakaroon muli ng parehong porsyento ng dagdag sa pensyon.
Ayon sa SSS makalipas ng tatlong taon na pagpapatupad ng increase, aabot na sa 33 percent ang madaragdag sa Retirement at Disability Pension at 16 percent naman sa Death at Survivor Pension.
Para sa mga kasalukuyang tumatanggap ng P2,200 na Retirement Pension, sa Setyembre ay magiging P2,420 na ito; sa September 2026 ay magiging P2,662 at sa September 2027 ay magiging P2,982 o katumbas ng P728 na pagtaas hanggang 2027.
Para naman sa mga kasalukuyang tumatanggap ng P2,000 na Disability Pension, sa Setyembre ay magiging P2,200 na ito; sa September 2026 ay magiging P2,420 at sa September 2027 ay magiging P2,662 o katumbas ng P662 na pagtaas hanggang 2027.