TINANGKA ni Detained Former Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na magdala ng mga damit at gadgets sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas, subalit agad itong naharang ng jail personnel.
Sa halip ay binigyan si Revilla ng kulay dilaw na t-shirt at jogging pants, na standard uniform ng Persons Deprived of Liberty (PDLs), at ng extra t-shirt at hygiene kit.
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng BatasMga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
17 puganteng Taiwanese, ipina-deport ng BI
Coast guard, ginunita ang ika-200 araw ng paghahanap sa “missing sabungeros”
15 survivors at 2 nasawi sa tumaob na MV Devon Bay, nai-turn over na sa PCG
Ayon kay Jail Supt. Jayrex Bustinera, tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), pinauwi nila ang lahat ng civilian plain clothes at gadgets ng dating senador sa abogado nito dahil ipinagbabawal ang mga ito.
Kasama ni Revilla na nakapiit sa Quezon City Jail ang apat na co-accused nito na mga dating opisyal ng Bulacan First Engineering Office na sina Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, Arjay Domasig at Juanito Mendoza
Nahaharap ang dating senador sa kasong malversation kaugnay ng umano’y 92.8 million pesos na ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
