23 November 2024
Calbayog City
National

Speaker Romualdez, ipinagtanggol ang Kamara laban sa mga kritiko

speaker romualdez kamara

Ipinagtanggol ni House Speaker Martin Romualdez ang Mababang Kapulungan at mga miyembro laban sa kritiko, pagbabanta, at pananakot.

Sa muling pagbubukas ng sesyon, tinuligsa ni Romualdez ang iilan na ang intensyon ay lumikha ng pagkakawatak-watak ng bansa.

“Tatayo ako laban sa sinuman na mananakot sa atin para masunod lamang ang gusto nila. Titindig ako – tayong lahat – para sa kapakanan ng bayan,” he told his colleagues. “Nagkakaiba man tayo ng pananaw at paniniwala, nagkakaisa tayong tumitindig kung intaatake ang ating institusyon. Hindi rin natin papayagan ang sinuman na pigilan tayo sa paggampan ng ating mandato sa ating mga kababayan,” ayon sa mambabatas ng 1st District ng Leyte.

Sinabi pa ni Romualdez na bagamat ang Kamara ay binubuo ng iba’t ibang grupo, isinasantabi ng bawat kinatawan ang mga pagkakaiba upang ipagtanggol ang institusyon at mga miyembro laban sa mapagsamantalang motibo na nais lamang alisin ang kanilang atensyon sa pagganap ng kanilang mandato.

Muling ipinaliwanag ng mambabatas na ginamit ng Kamara ang kapangyarihan ng kalipunan nang ilipat ang bahagi ng panukalang budget para sa susunod na taon sa mga proyekto at programa na sa tingin nito ay mas kinakailangang mapondohan.

“The House was never lenient, nor did it favor anyone. The entire process was dedicated to uplifting the lives of our fellow citizens and staying true to the fundamental principles of the system of checks and balances in the government,” ayon pa kay Romualdez.

Ayon kay Speaker Romualdez handa siyang tumayo upang ipaglaban ang aksyon at desisyon ng Kamara kaninuman.

Nagpasalamat naman si Speaker Romualdez sa kanyang mga kasamahan sa kanilang pagpupunyagi kaya maganda ang pagtingin ngayon sa Kamara.

Kamakailan ay lumabas sa pag-aaral ang mataas na rating na nakuha ni Romualdez sa OCTA Research survey na mula 38 porsyento noong 2022 ay umakyat sa 60 porsyento ang kanyang trust rating sa survey noong Oktobre 2023.

Tumaas din ang performance rating ni Romualdez na mula 44 porsyento noong 2022 ay naging 61 porsyento sa survey noong Oktobre.

Ang rating na nakuha ni Speaker Romualdez noong Oktobre ay mas mataas din ng tig-6 porsyento kumpara sa resulta ng survey noong Hulyo. (Jack Adriano)

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *