NAKATAKDANG mag-host ang Pilipinas ng makasaysayang sporting event na naglalayong hubugin ang susunod na henerasyon ng mga atleta.
Sa Dec. 2 hanggang 14, 2027, gaganapin sa bansa ang unang Southeast Asian Plus Youth Games, na isang regional tournament para sa under-17 athletes, isang taon bago ang Asian Youth Games.
Si Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang magsisilbing organization president habang si Philippine Sports Commission Chairman Patrick “Pato” Gregorio ang mamumuno sa Local Organizing Committee bilang presidente.
Bukod sa Pilipinas, kabilang sa Southeast Asian Nations na inaasahang lalahok ay ang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Myanmar, Malaysia, Thailand, Singapore, Timor-Leste, at Vietnam.
Ang “Plus” ay tumutukoy naman sa Asian countries sa labas ng rehiyon na inimbitahang sumali sa inaugural edition, gaya ng Bahrain, Bhutan, Japan, Kyrgyzstan, Nepal, Qatar, Saudi Arabia, South Korea, Sri Lanka, Taiwan, at Turkmenistan.




