29 October 2025
Calbayog City
Entertainment

South Korean Actor Lee Jong Suk, balik Pilipinas sa Nobyembre para sa Fan Meeting

MAGBABALIK sa bansa ang South Korean actor na si Lee Jong Suk bilang bahagi ng kanyang Fan Meeting tour sa asya.

Sisimulan ni Lee ang kanyang Tour na “With: Just Like This” sa huling bahagi ng Setyembre sa Seoul na mayroong dalawang stops sa magkahiwalay na Cities sa Japan.

Magpapatuloy ang Tour sa Nobyembre sa Taipei at pagkatapos nito ay magtutungo ang aktor sa Manila para sa kanyang Nov. 30 Fan Meeting.

Tatapusin ni Lee ang taon sa pamamagitan ng pagbisita sa Bangkok at Hong Kong sa Disyembre.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).