TINIYAK ng Department of the Interior and Local Government na walang makukuhang special treatment si dating Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., habang ito ay nakapiit.
Ayon kay Secretary Jonvic Remulla, matagal na silang magkaibigan ng dating senador, pero wala aniyang “exception” sa rules kaya itatrato siya tulad ng pagtrato sa lahat ng Persons Deprived of Liberty.
ALSO READ:
Larawan ng menor de edad na anak ni VP Sara, ginamit sa pagpapakalat ng fake news
Panukalang pagsuspinde sa excise tax, pasado na sa 2nd reading sa Kamara
Panukala kaugnay sa emergency powers, sesertipikahang urgent ni PBBM
P5K ayuda sa mga tsuper ipamamahagi na sa susunod na linggo; taas-singil sa pasahe kasado na ayon sa DOTr
Dagdag ng kalihim, maayos ang kondisyon ni Revilla matapos itong sumailalim sa medical examination sa Camp Crame.
Aniya, Physically Fit ito para humarap sa paglilitis.
Una nang iniutos ng Sandiganbayan 3rd Division na ma-detain ang dating senador sa New Quezon City Jail Male Dormitory.
