NANANATILING mababa ang panganib ng pagkalat ng kaso ng Nipah Virus sa iba pang mga bansa.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, sa kabila ng panibagong insidente ng pagkasawi sa Bangladesh dahil sa Nipah Virus, hindi pa rin inirerekomenda ang pagpapatupad ng travel ban.
ALSO READ:
Sinabi ni Herbosa na patuloy ang pagpapatupad ng mga hakbang para ma-control ang pagkalat ng virus.
Dito sa Pilipinas, nananatili aniya ang mga hakbang na pinaiiral ng Bureau of Quarantine sa mga paliparan at pantalan.
Noong January 28, isang babae na nasa pagitan ng edad kwarenta hanggang singkwenta ang nasawi sa Bangladesh.
Kinabukasan nakumpirmang Nipah Virus ang dahilan ng kaniyang pagpanaw.




