HINATULAN ng lokal na korte sa Tacloban City ang community journalist na si Frenchie Mae Cumpio at co-accused nito na si Mariel Domequil ng guilty sa terrorism financing, bagaman pinawalang sala sila sa illegal possession of firearms and ammunition.
Sinentensyahan ang dalawa na makulong ng labindalawa hanggang labing walong taon.
Mahigit 1,000 rice farmers sa Northern Samar, tumanggap ng ayuda sa gitna ng MABABANG farmgate prices
DOST, naglaan ng 600 million pesos para sa pagsusulong ng smart farming technologies
Rehabilitasyon sa Carigara Port sa Leyte, sinimulan na ng PPA
Northern Samar at DOE, pinagtibay ang ugnayan para sa sustainable energy
Ang ruling ay ibinaba ni Judge Georgina Perez, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 45, mahigit limang taon matapos maaresto sina Cumpio at Domequil.
Ayon sa defense lawyer na si Norberti Palomino, iaapela nila ang conviction sa loob ng 15-day reglementary period at hihirit din sila ng bail para sa pansamantalang kalayaan ni Cumpio habang naka-apela ang kaso.
Matapos ang promulgation, kahapon, ay agad ibinalik sina Cumpio at Domequil sa Tacloban City Jail, kung saan sila nakakulong simula nang maaresto noong Feb. 7, 2020.
Si Cumpio, Dating Executive Director ng Community Media Outfit na Eastern Vista, ay kabilang sa grupong “Tacloban 5” na dinakip sa joint police and military operation na nagresulta sa pagkakadiskubre ng mga armas at pampasabog sa isang safehouse.
