12 October 2025
Calbayog City
National

Sigaw ng 106 TRABAHO: “Mabuhay ang manggagawang Pilipino!”

Bumati ang TRABAHO Partylist, bilang 106 sa balota, sa lahat ng manggagawang Pilipino sa buong mundo ngayong Araw ng Paggawa sa taong 2025.

“Mabuhay ang manggagawang Pilipino!”, pagpupugay nila.

Maliban sa suporta sa mga umento sa minimum wage, magsusulong ang TRABAHO ng mga batas na babalikat ng mga reporma at adhikaing magbibigay ng kalidad na trabaho, patas na oportunidad, sapat na sahod, karagdagang benepisyo, at maayos na kondisyon sa pagtatrabaho.

“Alam po namin kung ano ang mga kagustuhan at pangangailangan ng mga manggagawa — dahil kami mismo ay mga manggagawa,” ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO.

Aniya, ang TRABAHO ay binubuo ng mga manggagawa mula sa iba’t-ibang sektor ng paggawa sa loob at labas ng bansa, pati na rin ng mga nais pang magtrabaho ngunit nakakaranas ng mga diskriminasyon kagaya na lamang ng mga senior citizen at may kapansanan.

Nangako ang TRABAHO na tututukan rin maging ang mga bagong kinakaharap na hamon sa kalusugan at kondisyon sa pagtatrabaho ng mga manggagawa bunsod ng climate change at modernisasyon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).